Neri business partner na si Vice Ganda: ‘Para maging close kami!’

Pauline del Rosario - July 06, 2024 - 10:15 AM

Neri business partner na si Vice Ganda: ‘Para maging close kami!’

PHOTO: Instagram/@mrsnerimiranda

GRABE magpaka-fangirl ang wais na misis na si Neri Miranda pagdating sa Unkabogable Star na si Vice Ganda.

Biruin niyo, mula sa pagiging avid fan ay naging mag-business partners na rin sila!

Ang balitang ‘yan ay proud na ibinandera mismo ni Neri sa kanyang Instagram post kung saan makikita ang picture nila ni Vice na abot sa tenga ang ngiti.

Naikwento pa nga ni Neri na kaya siya nakipagsosyo sa negosyo ay para maging close sila ng kanyang iniidolong TV host-comedian.

“Grabe yung mukha ko halatang halata yung pagka-fan ko sa ngiti ko [happy face emoji],” panimula ni Neri sa IG post.

Baka Bet Mo: Vice Ganda nag-sorry sa GMA exec na si Annete Gozon-Valdes, anyare!?

Chika niya, “Ganun ako ka-fan! Halos every night inuulit ko yung GGV kase tawang tawa ako kay Vice tapos inuulit ko rin mga bardagulan nila ni Anne, Kuya Jhong, and Vhong sa Showtime. Humahagikgik ako bago ako matulog, tinatanong ng asawa ko kung napapano na ako [laughing emoji]”

“Kaya nung tinanong ako ni Chito kung gusto ko ba raw maki-partner sa Vice Comedy Bar, sabi ko talaga game ako dyaaaaaaaaaaaan! Para maging close kami ni Vice!!!! [laughing, peace sign emojis],” sey ni Neri.

Patulo pa niya, “Kaya kagabi talagang panay bulong ko sa asawa ko na, ‘Daaad, papapic talaga ako kay Vice ha? Pls pls!’”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda)

Sa comment section, maraming netizens ang tuwang-tuwa sa bagong business venture ni Neri at may iilan pa na naka-relate sa pagiging fan ni Vice.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Grabe Neri. Sana makuha ko din ‘yung lakas ng loob mo para sa mga sunod-sunod na business ventures mo [heart emoji]”

“Same tayo fan din ako ni @josemarieviceralofficial mabait kasi and normal lang magpatawa [red heart emoji] Congratulations sa new partnership niyo Ms. @mrsnerimiranda [red heart emojis].”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

“Wowwww galing mo talaga idol, congratulations [clapping hands emojis] idol na idol ko din ‘yan si meme at bardagulan nila, gaya mo inuulit-ulit kong panoorin [laughing emojis] Sila nagpapasaya saming mga ofw [red heart emojis].”

“Ako rin po same kapag stress out ako, inuulit ko lang mga palabas ni Vice as in para ako baliw na natatawa na lang mag-isa [smiling face with heart eyes emoji].”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending