DJ Mo kinarma, dapat lang daw saktan at hiwalayan ni Angelicopter

Reggee Bonoan - July 07, 2024 - 08:51 AM

DJ Mo kinarma, dapat lang daw saktan at hiwalayan ni Angelicopter

Mo Twister at Angelicopter

FEELING devastated ngayon ang dating DJ na si Mo Twister matapos hiwalayan ng asawang si Angelika Schmeing o Angelicopter sa araw mismo ng kanilang wedding anniversary.

Ikinuwento ni Mo na sobra siyang nasaktan dahil hindi yata alam ni Angelicopter na 3rd wedding anniversary nila nang iwan siya. Base sa mga post nito ay tila nagkaroon sila ng pisikalan ng asawa dahil marami siyang kalmot sa mukha.

Nabanggit naman ni Angelika na Enero pa sila hindi okay ni Mo at nag-trigger lalo nang i-guest ng huli ang ex-girlfriend niyang si Denise Laurel sa podcast nito.

Baka Bet Mo: Paolo Contis, Yen Santos ‘never’ naging magdyowa, sey raw ng ina ng aktres

Anyway, sa mga komento ng netizens ay wala kaming nabasang nakikisimpatiya kay Mo Twister at maging sa umpukan ng mga taga-showbiz ay hindi rin sila naawa bagkus ay nagsabi pa ng, “Nakahanap ng katapat.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mo Twister (@djmotwister)


Sampung taong naging magdyowa at nagsama sina Angelika at Mo bago nagpakasal sa Iceland noong 2021 tapos biglang naghiwalay pagkalipas ng tatlong taon.

Sabagay hindi naman na ito nakakagulat dahil sina Tom Rodriguez at Carla Abellana nga ay pitong taong magkarelasyon bago nagpasyang magpakasal noong 2021 at pagkalipas ng tatlong buwan ay nauwi sa hiwalayan at ngayon ay divorced na.

Going back to Mo Twister, napakinggan namin ang komento ng kasamang Jobert Sucaldito na ngayon ay vlogger na at co-host ni Direk Chaps Manansala sa vlog nilang “Oras ng Opinyon, Talakayan at Diskusyon” o “OOTD” na mapapanood sa YouTube.

Isa si Jobert sa nagkuwento kung anong klaseng tao si Mo kaya siguro walang nakuha itong simpatiya.

Baka Bet Mo: Kasalang DJ Mo-Angelicopter sa Iceland mala-adventure movie ang mga eksena

“Marami siyang kalmot may pinanggagalingan ‘yan. No offense meant sa mga fans ni Mo Twister hindi ko alam kung bakit kayo naging fans ni Mo! May ugali ang batang ‘yan, bastos ‘yan!” sabi ni Jobert.

Dagdag pa niya, “Experience ko ‘yan! He called me names sa podcast niya noon.  I thought I was close to him before and I find him cute and matalino. Nagulat ako all of a sudden out of the blue para bang he changed courses, ang liit ng tingin niya sa akin, binastos niya ako.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mo Twister (@djmotwister)


“Kaya ang ginawa ko, pinaglaruan namin ‘yan ni Nanay Cristy (Fermin) before ang tawag namin, ‘ang lalaking tumangkad lang ng bahagya sa tangke ng gasul.’ ‘Yan ang running joke (namin) kasi nga bastos siya!” sabi ni Jobert.

Nabanggit na taklesang wala sa lugar si Mo kaya nang umalis siya ng Pilipinas sa dahilang marami na siyang nakaaway at hindi siya makabalik dito dahil may mga kasong isinampa sa kanya.

Nabasa ni Jobert ang lahat ng komento ng netizens kay Mo Twister, “I don’t know how to react. Hindi ko alam kung maaawa ako sa kanya o dahil sa kalmot niya. Sa totoo lang kaya kinalmot kasi may ginawa.”

Say ni Direk Chaps, “Maraming nagpo-post at ang sabi ay ‘karma niya ‘yan sa dami ng ginawa niyang panget. Ang papangit ng mga comments kay Mo.”

Dagdag na sabi ni Jobert, “Ang sama ng bibig niyan, ibang klase ‘yan that’s why I don’t have respect, excuse lang talaga.  Actually, I don’t have to apologize but to all OOTDians baka sabihin napaka-rude ko naman o harsh ko.”

Isa-isang binasa ni Direk Chaps ang mga komento sa sa kanilang vlog at walang magandang nabasa tungkol kay Mo at ibinalik pa ang isyung hindi maganda ang ginawa ng huli kay Bunny Paras, ang nanay ng anak niyang si Moira, at sa mga aktres na sina Kat Alano at Rhian Ramos.

“Hindi ko naman ikinatuwa ang mga kalmot niya of course, pero hindi ako naawa to be honest,” mariing sabi ni Jobert.

Dagdag pa, “Minsan kahit nasa tama ka pero kapag may mga past (na ginawa), you cannot blame people. Bumabalik ang pagkairita nila sa ‘yo (Mo). Imbes na maawa, sasabihin pa sa ‘yo, karma mo ‘yan.”

Binasa ni Direk Chaps ang iba pang komento, “Karma is a bitch, you get what you give.”

May nabasa rin kaming “Mo is not a lovable person.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

“Alam mo Mo, I hope you realize that after mong mabasa ‘yung mga comments, from there sana you learn a lesson, sana bumait siya. Sana baguhin niya,” payo ni Jobert.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending