Zeinab Harake, Ray Parks Jr. ikakasal na, ibinandera ang engagement

Pauline del Rosario - July 08, 2024 - 12:48 AM

Zeinab Harake, Ray Parks Jr. ikakasal na, ibinandera ang engagement

PHOTO: Instagram/@zeinab_harake

NEXT level ang relasyon ng vlogger na si Zeinab Harake at basketball player na si Bobby Ray Parks Jr.

Nag-propose na kasi si Ray Parks upang pakasalan si Zeinab!

Ang nakakakilig na balita ay ibinandera ng couple sa kani-kanilang social media accounts.

Sa Instagram ng vlogger, makikita ang ilang special moments sa naging engagement ng couple.

Bukod sa pagluhod ng basketball player hawak ang isang box na may singsing, may mga kuha rin na naging emosyonal silang dalawa.

Baka Bet Mo: Zeinab na-stress kay Bobby Ray sa ‘Can’t Say No’ challenge, hirit ng basketbolista: Hayaan mo na ako, ito ang kasiyahan ko

May pictures din na kasama ng dalawang anak ni Zeinab na sina Lucas at Bia na may dala pang bulaklak.

Caption diyan ng celebrity mom, “YES.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @zeinab_harake

Sa comment section, maraming celebrities at kapwa-socmed stars ang bumati sa engaged couple.

Kabilang na riyan sina Yassi Pressman, Argie Roquero, Cong TV, Jelai Andres, Alex Gonzaga, Donnalyn Bartolome, Carla Abellana, Sofia Pablo, at marami pang iba.

Sey ni Jelai, “Thank you Daddy Ray sa pagpapasaya at pag-alaga kay Z and to u Zizi omg sis magkakatotoo na yung sabi ko sayo noon na kung sakali ikakasal kayo maging korean ka e [laughing emoji] Omg Zeinab Parks [heart emoji] Love u both! [heart party popper emojis] Sobrang happy ko sa inyong dalawa! Congrats!” 

Komento naman ni Alex, “GOD IS GOOD!!! So happy for the two of you!!! [red heart emojis]”

Saad naman ni Donnalyn, “Finally!!! [wedding ring, heart emojis]  congrats Ray and Zizi!”

Kung matatandaan, June last year nang kumpirmahin ni Zeinab sa programa ng “Fast Talk with Boy Abunda” na magdyowa na sila ni Ray Parks.

Tanong sa kanya ni Tito Boy, “Is Bobby Ray Parks your boyfriend?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Pag-amin agad ni Zeinab, “Yes. Yes. He’s my partner now.”

Proud pang inilarawan ng socmed star na “husband material” ang kanyang boyfriend.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending